EUGENE Y. EVASCO
Si Eugene Evasco ay kasalukuyang tinatapos ang kanyang M.A. sa Malikhaing Pagsulat sa U.P. Kawawagi lamang niya ng gantimpala sa 1999 Homelife Poetry Contest para sa tulang "Baguntao." Kasalukuyan siyang nagtuturo sa Departamento ng Filipino at Panitikan ng Pilipinas, Kolehiyo ng Arte at Literatura.


ANG LALAKI SA WAITING SHED

Bumuntal sa aking mga mata
ang braso, dibdib, at puwit niya
habang pumapara ng masasakyan.
Namamaga itong nais makahulagpos
sa nakabalot na polo at maong
habang amoy na amoy ko
ang bagong kuhang sinampay
na masinsing pinaplantsa.

Sumandal siyang panandali
sa poste, nag-unat, kinamot ang batok
at inayos ang lumaylay na pantalon.
Pinasadahan kong muli siya mula bakat ng sando
hanggang kinang ng kanyang katad na sapatos.

Nanlilisik ang kinang ng anillo de boda.
 
Back to Cover
Previous Work
Next Work